Martes, Enero 17, 2012

High School Life

Sa mahigit apat na taon kong pag aaral sa Deparo High School,marami tlagang mga taong hindi mo malilimutan,mga taong nagturo sayo ng mga bagay-bagay na magmumulat sayo sa realidad ng buhay,mga taong humubog at nagpalabas ng iyong talento na di mo naman inaasahang may talento ka rin pala !at masasabing"wow!ngawa ko ba talaga yun?"sadyang magugulat ka talaga!hehe! " kaya ko pala!"

  ako noon? isang estudyanteng mahiyain at walang tiwala sa sarili.Pero ngayon heto ako  isang estudyanteng handang magperform sa harap ng maraming tao at di na nahihiyang magsalita sa harap ng klase.Salamat sa mga gurong tumulong upang mawala ang pagkakaroon ko ng lack of self confidence:)) salamat ng marami!

  Hindi lang ako ang natulungan,napakadaming estudyante di lang ako:))

  hay!highschool life nga naman!experience!experience!experience! haha..

   napakasayang highschool life.
*ayan ang mga friends,friends na biglang susulpot pag walang assignment.haha!wala ka bang assignment? wag kang mag alala mapapabilang ka sa samahn ng wonder pets kung tawagin.
*daldalan to the max pag walang teacher.Sa kamalasmalasan dahil dun mapapgalitan ka pa .hehe
*kwentuhan ng mga kung anu-ano ..lalo na sa buhay pag-ibig WAAAAAAAAAAAA!!
*pakikipagbiruan sa mga guro.

*mahiyain ka ba? ayan ang pangkatang gawain .Sigurado ako tanggal yan lalo na pag ang guro mo ay si sir Joel De Vera.Bka magulat ka di mo inaasahan ,mapapabilang ka pa sa sinasabing best actor o kaya best actress!hay nku swerte mo.exempted ka sa test! :))
*mararanasan mo ring pumila sa xeroxan  at mag paxerox ng mga lessons para mkagawa ng takdang aralin,3 is to one kasi ang books nmin .Pero ayos lng at least may natututunan kami.
*punta sa bahay ng classmates para sa paggawa ng group project:)) saya nun bonding nnmn.

 ang iisang bagay nalng na di ko pa ngagawa ang magcutting haha.. kailan kaya??tsk.wag ng pangarapin hahaha.
sarap maging high school lalo na kapag public school.Pagdating sa pag aaral mararanasan mo kung gaano kahirap maging isang estudyante.Pagpupuyat,pag sali sa mga extra curricular activities at marami pang iba.

ang highschool life mahirap man masaya rin naman..
sayang naman kung hihinto ka sa pag aaral o sasayangin ang pag aaral sa pagbubulakbol.Hay nku sayang nmn kung di mo mararanasan ang mga arw na walng pasok ,mga araw na walang teacher.. haha. saya kayang maging highschool student try mo!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento